EJ Obiena, bigong maka-podium sa Paris Olympics

Bigong makasungkit ng medalya ang pambato ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics pole vaulting na si World No. 2 EJ Obiena.

Hindi nakatuntong sa podium ang manlalaro dahil nagtapos siya sa ika-apat na pwesto sa finals ng men’s pole vault sa Stade de France.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa kanyang laban kaninang madaling araw, bigo si Obiena na matalon ang 5.95 meters sa tatlong pagkakataon.

Samantala, ang ang world No. 1 ng Sweden na si Mondo Duplantis ang nakapaguwi ng Gold medal.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Nananatili ang Pilipinas na may dalawang medalya sa 2024 Paris Olympics, na parehong nakamit ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo.