Pag rescue sa mga menor de edad regular na ginagawa ng mga pulis sa Naga City

NAGA CITY –Pagtungtong sa oras na alas 10:00 ng gabi, isa-isa ng sinisita o pini-pick up ng mga nag iikot na mga personahe ng Naga City Police Office ang mga bata o menor de edad na gala sa lungsod o itong mga street children at dinadala sa City Social Welfare and Development Office kung walang mag claim na mga magulang.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ganito ang ginagawang sistema sa pag rescue ng mga pulis sa menor sa pagpatupad ng curfew for minors, batay sa naging pahayag sa Brigaada News FM Naga ni PLt. Col. Chester Pomar, Spokesperson ng NCPO  bilang pagbibigay ng proteksyon sa mga bata.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Pomar , ngayong paparating na Setyembre, inaasahan na nila ang pagdami ng mga street children na mamamalimos at posible pang masangkot sa anumang krimen kung hindi nila mare-rescue o kaya maisuli sa mga magulang at sa CSWDO.