Herlene Budol, nagsalita na sa isyu nila ni Rob Gomez

Opisyal nang nagsalita ang beauty queen actress na si Herlene Budol matapos madawit ang kanyang pangalan sa “cheating” issue sa kanyang co-actor na si Rob Gomez.

Sa kanyang post sa social media, kwinestiyon niya ang pagdawit ng kanyang pangalan sa isyu ng real life girlfriend ni Rob.

Aniya, nagka-issue na siya sa dati niyang show at hindi na bago na magka-issue siya ulit ngayon lalo na’t parte na siya ulit ng panibagong teleserye.

Makikita naman sa mga kumakalat na screenshot ng conversations nila ni Rob na may relasyon silang dalawa, at nakitaan pa ng pag-take ni Herlene ng pregnancy test.

Bukod kay Herlene, dawit din ang co-star nilang si Bianca Manalo na tila may lihim ding ugnayan kay Rob base sa screenshots na lumabas.

Pumutok ang isyu matapos “ma-hack” umano ang Instagram account ni Rob, kung saan mismo pinost ang mga screenshot ng coversations nito sa mga napangalanang beauty queens.