Nagpaalam na sa Unibersidad ng Pilipinas si CJ Cansino.
Sa kanyang post sa social media, pinasalamatan niya ang Diliman community dahil aniya, ibang magmahal, mag-alaga, at sumuporta ang mga taga-UP.
Napabilang si Cansino sa Fighting Maroons noong 2020 matapos maglaro ng dalawang season para sa University of Santo Tomas.
Nagkaroon ng isang championship si Cansino sa UP noong Season 84 ngunit maaalalang bigo nilang masungkit muli ang titulo ngayong season matapos mapanalo ito ng De La Salle University.
