Government hospitals sa Camarines Norte walang naitalang firecracker related injury sa unang araw ng monitoring

CAMARINES NORTE – Walang naitalang firecracker related injury ang mga pampublikong ospital sa lalawigan ng Camarines Norte sa unang araw ng monitoring.

Ayon sa Camarines Norte Provincial Hospital as of 5, am ng December 21, zero case ito sa firecracker related incident gayundin sa Labo District Hospital as of 6 am.

Wala ring naitatalang biktima ng paputok sa  Capalonga Medicare and Community Hospital sa maga panahong ito.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Una nang nagpaalala si Provincial  Health Officer Dr. Arnel Francisco sa mga Cam Norteno na huwag nang magpaputok  sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon upang iwas disgrasya.

Aniya delikado ang kahit anong klase ng paputok lalo na kung wala namang kaalaman sa paggamit nito.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Maliban sa mga bata na maaaring mabiktima ng paputok may mga insidente rin daw nang pagka disgrasya  sa paputok  nang dahil sa kalasingan.

Dati na ring umapela si Francisco sa mga Barangay na maging proactive  at tumulong sa PHO sa iwas paputok campaign.