Herd Immunity sa Camarines Sur, inaabot pa rin

NAGA CITY-Hindi pa naaabot ng Camarines Sur ang herd immunity ayon sa Department of Health Provincial Office, kaya puspusan ang vaccination roll out upang maabot ito.

Sa kasakuluyan mahigit 60% pa lamang ang  bakunado laban sa COVID-19 , 80% na ng total population ang target kasunod ng pagbabakuna sa 12-17 anyos at 5-11 taong gulang ayon kay Dr. Rey Millena DOH Office ng lalawigan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Marami na ang hindi naniniwala sa COVID-19 at marami na rin ang ayaw magpabakuna. Sagot ni Millena sa naging panayam ng Brigada News FM, nakikita na nila ang  magandang epekto ng vaccination program ito ay ang pagbaba ng COVID-19 cases kaya kailangan ito sa patuloy na proteksyon.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Inaanyayahan ng DOH Officer na tumungo sa inilaang vaccination sites ng kani-kanilang LGUs mula  March 10 hanggang March 12, 2022.