NAGA CITY – Tatlong COVID-19 vaccines ang available sa Naga City sa pagsisimula ng National Vaccination Day ngayong hanggang sa Sabado Marso 12; Pfizer, Moderna at Sinovac.
Sa inilabas na impormasyon ni Allen Reondanga , Chief ng City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO kabilang sa inaasahang lalahok ay ang mga Persons Deprived of Liberty sa Naga City District Jail. Tutungo sa lugar ang vaccination team. Nasa loob man ng piitan kailangan may dagdag protection laban sa virus.
‘Di rin mawawala bilang isa sa prayoridad ang mga senior citizens ,mga kabataang nasa 12 hanggang 17 taong gulang.
Ang mga magiging venue ng unang araw na National Vaccination Days ay ang ilang mga covered court at mall.
Samantala, nagpahayag naman ng pagsuporta ang mga barangay opisyal ng lungsod na kung saan nangako ang mga ito na patuloy pa rin nilang hihikayatin ang mga residente na magpabakuna.