Helicopter na balak gamitin sa warzone, lumipad nang walang piloto

Lumipad sa himpapawid ng United States nang walang piloto sa unang pagkakataon ang fully autonomous Black Hawk helicopter.

Walang ni isang sakay ang UH-60A Black Hawk nang ito’y lumipad ng 30 minuto na isinagawa sa US army installation.

Mayroon itong optionally piloted cockpit na pwedeng i-switched mula pilot at pwede ring autonomous mode na nagpapahintulot na kung sino man ang lulan ng computer brain ay maaring mag kontrol ng sasakyan.

Isinagawa ito sa pakikipag tulungan ng Lockheed Martin Sikorsky at ng Defense Armed Research Projects Agency (DARPA).

Ang autonomous helicopter na ito ay pwedeng gamitin sa pag deliver ng supplies sa mga delikadong war zones o gamitin na sasakyan sa pag recover ng mga sundalo ng walang ipinapahamak na piloto.### ANGELICA BUBAN – Intern