SORSOGON CITY – Target ng Sorsogon Provincial Health Office ang 34,000 na mabakunahan sa ikinasang part 3 ng National Vaccination Day ngayong Pebrero 10-11.
Sa pahayag sa Brigada News ng head ng PHO na si Dr Renato Bolo, handa umano ang lahat ng Municipal Health Units kasama ang Sorsogon City para sa dalawang araw na pambansang bakunahan.
Kasama na rin aniya, ang pagpapaturok ng ‘booster’ sa inilunsad na programa.
Dagdag pa nito na kahit lagpas na ng ilang buwan matapos ang second dose, ay puwede pang magpa-booster shot, gayundin umano sa magpapaturok ng second dose kahit lumagpas na ng ilang buwan matapos ang kanilang first dose.
Umaasa si Dr. Bolo na maaabot ang target na mabakunahan sa ikatlong bahagi ng national vaccination days para mas maraming Sorsoganon ang magkaroon ng proteksyon laban sa Covid-19.
