Heat pinahiya ang Celtics sa Game 7 ng ECF, 103-84

Pinahiya ng Miami Heat ang Boston Celtics sa Game 7 ng Eastern Conference Finals, 103-84.

Nagpaulan ng tres (14 out of 28) ang Miami na naging susi upang maghari muli sa East sa ikalawang pagkakataon sa loob ng apat na taon.

Maagang uminit si Caleb Martin na kumamada ng kabuoang 26 points, 9 rebounds, at 3 assists.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Matapos naman ang maalat na laro sa nakalipas na tatlong talo, muling nabuhay si Jimmy Butler at humakot ng 28 points, 7 rebounds at 6 assists.

Nalimitahan naman ng Heat sa 14 points ang superstar ng Celtics na si Jayson Tatum.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Makakaharap ng Miami sa NBA Championship ang Denver Nuggets na unang nilampaso ang Los Angeles Lakers sa pamamagitan ng 4-0 sweep sa kanilang serye.

Gaganapin naman ang NBA finals sa umaga ng Biyernes, June 2, oras sa Pilipinas.