NAHULI na ng kapulisan ang suspek sa pagpatay sa isang byuda sa bayan ng San Fernando noong Miyerkules.
Inaresto ito ng pulisya bandang alas-5 ng hapon kahapon, Mayo 27.
Ang suspek ay kinilala ni Police Major Efren dela Cruz Diaz Jr., hepe ng pulisya sa bayan, na si Larry Lantape Sabellano, 37, , merong live-in partner, nagtatrabaho sa sand and gravel at taga Purok Moringa, sitio Cogon, Brgy. Greenhills, San Fernando.

Sinabi ni Diaz na si Sabellano ay kinilala ng isang saksi na nakakita sa kanyang ginawang krimen kaya agad itong nagsagawa ng hot pursuit operation kasama ang kanyang mga nasasakupan.
Huwebes ng alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Diomedesa Lapera Gedaro, 6 7, sa Brgy. Greenhills na may laslas sa leeg na malapit nang maputol.
Bukod sa paglaslas, itinapon pa ito sa bangin.
Naniniwala ang pulisya na ninakawan si Gedaro dahil nawala ang bitbit nitong bag.
Dagdag pa ng kapulisan na kilala ni Gedaro ang magnanakaw kaya’t pinatay sya nito.
Mismo sa loob ng police station, si Sabellano ay kinilala ng mga testigo na may kagagawan ng krimen(BNFM CEBU)
#