LEGAZPI CITY – Tinututukan na ngayon ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol, kasama ang Provincial Engineering Office (PEO) ang mga kakulangan sa ilang mga evacuation centers sa albay dahil sa kasalukuyang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Kaugnay ito sa mga reklamo ng mga evacuees tungkol sa mga pasilidad na kasalukuyan nilang ginagamit.
Ilan sa mga reklamong natatanggap ay ilan sa mga paliluran ay barado at hindi naman magamit nang maayos.
Ayon naman kay Ligao City Mayor Fernando Gonzales, kailangang magsagawa ng declogging sa ilang CRs upang hindi makaramdam ng discomfort ang mga evacuees.
Sinabi naman ni Provincial Engineer Dante Baclao, nag-ikot na ang kanilang mga tauhan sa mga evacuation centers at nakita nila ang mga dapat na ayusin lalung-lalo na ang mga kakulangan sa tubig.
Ang mga nakuha namang datos ang magiging batayan sa pagbibigay-tulong mula sa concerned agencies tulad ng OCD at DPWH.