Kris Aquino, nag-alok ng medical help kay Lolit Solis

Ibinunyag ni Lolit Solis na nag-alok umano sa kanya ng medical help si Kris Aquino sa kabila na may  hinaharap din itong sariling sakit, at nagpapagamot sa ibang bansa. 

Si Solis ay kasalukuyang sumasailalim sa dialysis ng dalawang beses sa isang linggo.

Read More:  Keanna Reeves unfazed by 28-year age gap with younger boyfriend

Ayon sa showbiz columnist, na kahit love/hate ang relationship umano nilang dalawa, ay hindi nalimutan ni Kris ang kanilang naging friendship.

Giit pa nito, mabait ang puso ni Aquino, kahit pa umano tactless o sinasabihan niyang walang mean bone ang TV host-actress.

Read More:  Alex Gonzaga and Mikee Morada give first glimpse of their baby boy’s face

Sa huli, hiniling ni Solis na gumaling si Kris para sa mga anak nito, at hindi umano niya malilimutan ang sweetness at kindness ng TV host, kasabay ng kanyang pagpapasalamat.