Tamang pag-uugali ng mga driver, pinaalala sa Balik Eskwela

NAGA CITY –Pinaalalahanang muli  ang mga driver na maging mabait sa kanilang mga pasahero ngayong araw na naman ng klasehan, bukod pa sa dapat malinis itong manamit at nakasapatos palagi habang nagmamaneho bilang pagsunod na rin sa ordinansa ng lungsod.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Ito ay ayon kay Barangay Kagawad Gil Belen, Federation President ng Trimobile Operators Drivers Association sa Naga City upang hindi ireklamo ng magiging pasahero nila, lalo na ng mga estudyante at ng mga magulang ng mga ito.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Ayon sa kaniya, handa na sila sa pagsalubong sa pasukan mula sa araw na ito at hingi rin nila na sana ay maging mabait naman sa kanila ang mga pasahero, huwag ding maging arogante dahil ang lahat ay nadadala sa magandang usapan.