Target na masimulan na ang roll out ng HealthGuard System sa buong lalawigan ng Isabela sa October 12 ngayong taon para mapaigting ang health security measures laban sa COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Atty. Elizabeth Binag, ang tagapagsalita ng Provincial Government of Isabela sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan alinsunod sa inilabas na EO No. 27 ni Gov. Rodito Albano III.
Ayon kay Atty. Binag, nire-require lahat ng mga residente ng probinsya, mga magtutungo sa lalawigan, government facilities, business establishments at ng mga dadaan sa territorial boundaries na papasok sa Isabela na magparehistro sa HealthGuard System.
Ang HealthGuard ay isang system na dinevelop ng Isabela State University na ginagamit para sa contact tracing, monitoring at surveillance sa mga nakarehistro.
Aniya, ang mga border checkpoint ng lalawigan ay mayroong mga ilalagay na scanner na siyang mag-iiscan ng HealthGuard QR Code.
Sinabi pa ni Atty. Binag na hindi papasukin ang mga indibidwal na walang maipapakitamg QR code sa mga checkpoint.
Gayunman, maglalagay aniya sila ng mga computer at wifi sa mga border checkpoint para mairehistro ang mga walang QR code.
Ayon pa sa kaniya, hindi kasali ang mga passing thru lamang sa lalawigan.
Paliwanag pa niya na hindi papalitan ng HealthGuard System ang dati nang ginagamit na S-PaSS at StaySafe system kundi magiging katulong lamang ito para sa contact tracing at border control.