Health protocols na ipinatupad nitong nakaraang undas 2021, wala naman naitalang paglabag, ayon sa Albay Police Provincial Office (APPO)

LEGAZPI CITY – Inihayag ni PLt Kharren Perillo Formales, ang Spokesperson ng Albay Police Provincial Office (APPO) na wala naman silang naitalang insedente o paglabag sa Ligtas Undas 2021.

 Ayon kay Formales, ito ang ikatlong araw ng kanilang pagbabantay ng mga PNP personnel sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa lalawigan ng Albay na kung saan wala naman silang nakitang paglabag sa pagbisita sa mga sementeryo.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

 Aniya, naging epiktibo ang kanilang ginawang istratehiya upang sumunod ang mamamayang albayano. Bago pa man pumasok ang buwan ng Nobyembre ay maaaga ang kanilang kampanya at nagkaroo rin ng implementation plan upang malaman ng publiko ang mga dapat o ipinagbabawal sa loob ng sementeryo at nalimitahan rin ang pagpasok ng mga tao sa sementeryo.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

 Sinabi ng opisyal, wala rin silang natatanggap na report na mayroong pumapasok sa loob ng sementeryo simula noong Oct 29 hanggang ngayon araw.

Inaasahan rin bukas ng umaga ay bubuksan muli ang mga sementeryo para bisitahin ang kanilag mahal sa buhay ngunit limitado lamang ang makakapasok sa sementeryo.