Health personnel at ibang nasa frontliners sa Naga city handang magpaturok ng bivalent vaccines sakaling dumating na ito sa City Health Office

NAGA CITY –Hindi pa dumarating sa Naga City Health Office ang bivalent vaccines, ang bagong bakuna laban sa COVID-19 na nakatakdang iturok sa mga health personnel tulad ng doctor, nurses, midwives at Barangay Health Workers, gaya ng ginawa sa National Capital Region.

Ilang mga BHWs sa lungsod ang nagpahayag ng pagpabor sa vaccines at ayon sa kanila, magpapaturok sila kung kinakailangan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kaugnay nito, nakausap ng Brigada News FM Naga si Dina Capistrano, BHW sa Barangay Concepcion Grande at sinabi nitong wala pa naman silang natatanggap na anumang abiso, dahil sa wala pa ang vaccines na ito sa lungsod. Wala aniyang problema, magpapaturok sila.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang vaccines na ito ay galing pa sa bansangLithuania na unang itinurok sa mga opisyal ng Department of Health sa pangunguna ni Health Sec. Ted Herbosa.

Batay sa inilabas na impormasyon ng DOH, nasa 390,000 bivalent vaccine doses ang dumating galing sa naturang bansa.