Head transplant, kaya na kaya?

Namangha ang mga netizen nang mapanood ang isang video na kung saan isinasagawa ang isang pambihirang operasyon na ang mismong mga ulo ng dalawang tao ang ipinagpapalit.

For illustration purposes lamang ang video subalit, makikita rito ang kahindik-hindik na paglipat ng ulo ng donor sa isang pasyente na nangangailangan ng Head Transplant.

Paliwanag ng may akda sa naturang pag-aaral dalawang katawan ang sabay na isasalang sa operasyon: katawan ng posibleng donor na brain dead na, at ang katawan ng pasyente na may malubhang sakit.

Ito ay inilarawang World’s First Revolutionary Full Head Transplant System na kung saan mga robot na pinapagana ng Artificial Intelligence o AI ang mangunguna sa nasabing operasyon. ### KENNETH BERMIL