Patunay lamang na “no one is above the law” ayon sa National Security Council ang hatol na guilty kina ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, at dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo.
Ito’y may kinalaman sa issue ng ‘di umano’y paglalagay sa panganib ng ilang menor de edad noong 2018.
Sa isang pahayag matapos ibaba ng Regional Trial Court, Branch 2 ng Tagum City Davao del Norte ang desisyin , sinabi ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año , ipinapakita nito ang commitment ng hudikatura na itaguyod ang “rule of Law”.
Malinaw aniya na pinasinungalingan ng desisyon ang alegasyon ng mga akusado na “rescue mission” ang kanilang ginawa sa ilegal na pagkuha at pag-biyahe sa mga menor de edad sa Talaingod, Davao del Norte noong 2018.
Sinabi ni Año na ang desisyon ay malaking hakbang upang mapangalagaan ang mga katutubo at menor de edad.
Binati naman ni Sec. Año ang Department of Justice ,Office of the Solicitor General, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines sa pagtutok sa kaso para masiguro na makamit ang hustisya.