Alice Guo, hindi pa nakakalabas ng bansa

Nilinaw ng kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na hindi pa ito nakakaalis ng bansa at pinaplano kung kailan at paano niya ihaharap ang sarili sa Senado.

Ayon sa legal counsel nitong si Atty. Stephen David, mismong si Guo ang nagkumpirma sa kanya nito sa pamamagitan ng isang oras na pag-uusap sa telepono.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Maari aniyang dumalo si Guo sa susunod na pagdinig sa Hulyo 29 hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad sa Philippine offshore gaming operations (POGO).

Kung isu-surrender daw kasi ng suspending alkalde ang kanyang sarili ngayon, matatagal itong made-detain, kaya maaring magpakita ito sa mismong hearing na lang.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maalalang hindi mahanap ng Senate sergeant-at-arms si Guo at ang kanyang mga kapatid sa kanilang mga nakalistang ari-arian matapos ipag-utos ng Senado na arestuhin ito.