Hanggang P2 na rollback sa gasolina – namumuro sa susunod na linggo

GOOD NEWS sa mga motorista!

Nadagdagan pa ang inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pagtataya ng oil industry sources, maglalaro na sa P2.00 hanggang P2.20 ang inaasahang tapyas sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mayroon ding tinatayang P0.50 hanggang P0.70 na rollback sa kada litro ng diesel; at P0.70 hanggang P0.90 na bawas sa kada lito ng kerosene.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Kapag nagkataon – ito na ang ikatlong linggong sunud-sunod na rollback sa gasolina; habang ika-apat na linggong rollback na rin sa diesel at kerosene.