Mas maraming Multilateral at Maritime Cooperative activities, hangad ng DND sa mga kaalyadong bansa

Matapos ang matagumpay na Balikatan exercise ngayong taon, pinaigting ng Department of National Defense ang kanilang hangarin para sa mas maraming multilateral at maritime cooperative activities kasama ang mga kaalyadong bansa.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., mahalaga ang naging pagsasama-sama ng mga bansa tulad ng Estados Unidos, Australia, at France sa mga pagsasanay upang mapalakas ang kooperasyon at kaligtasan sa rehiyon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sinabi rin ng kalihim na hindi maaapektuhan ng anumang masamang hangarin ang kanilang layunin para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Binigyan-diin din niya na ang dangal, teritorial integrity at dignity ay ‘non-negotiables’ para sa bawat Pilipino.