Halos 8M sa NCR fully vaccinated na vs. COVID-19

Pumapalo na sa 7.9 million Filipinos ang nababakunahan laban sa COVID-19 sa National Capital Region.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, ito ay 81.4% ng mga eligible population sa rehiyon.

Dagdag ni Malaya, 9.1 million Filipinos sa NCR ang nakatanggap ng kanilang first dose o 93% ng eligible population.

Mayroon namang halos 28.9 million o 37.5% ng buong eligible population ang nakatanggap ng one dose, habang 24.8 million o 32.25% ng eligible population ang fully vaccinated.

Dahil dito, kung titingnan ang datos mula nang ilunsad ang vaccination program, malayo-layo na ang narating, at ang target ngayon ay tutukan ang vaccination sa iba pang lugar sa bansa. //MHEL PACIA-TRINIDAD