Naglabas ang Hamas ng mga pangalan ng Gazans na namatay sa pag-atake ng Israel.
Ayon sa Palestinian Islamist Group, nasa 7,028 katao ang namatay sa Gaza mula noong October 7.
Nakapaloob sa inilabas ng Hamas Health Ministry ang pangalan, kasarian, edad at identity card number ng mga biktima.
Sinabi ng ahensya na napagdesisyunan nilang isapubliko ang listahan upang malaman ng mundo ang ginawa ng Israel sa kanilang mga kababayan.
Samantala, una nang sinabi ni US President Joe Biden na wala siyang ideya kung totoo ba ang dami ng namatay na inulat ng Palestinians.
Ang alam lamang aniya ay may mga inosenteng tao na nadadamay sa kaguluhan doon.
Photo Credits: Dado Ruvic
