Pranses na nag-akusa ng ‘doping’ kay Obiena, nag-sorry

Humingi ng paumanhin ang isang Pranses na nag-akusa ng ‘doping’ kay Asian Games gold medalist pole vaulter EJ Obiena.

Ito’y dahil sa mga walang katotohanang salita na ibinahagi tungkol kay Obiena at sa kanyang coach.

Sa Facebook post ni Obiena, ibinahagi nito ang apology letter ni Anais Lavillenie, asawa ni dating Olympic champion Renaud Lavillenie.

Ayon kay Anais, pinagsisihan nito ang paglapastangan sa pangalan ni Obiena at sa coach nito.

Tinanggap naman ni EJ ang sorry ng Pranses at ito aniya ang huling hakbang sa paglilinis ng kanyang pangalan at reputasyon.

Sa huli, nagpasalamat si Obiena sa lahat ng mga tagasuporta at nananawagan na tigilan na ang pagpapadala ng pagmensahe kay Lavillenie.