Sugatan ang nasa 40 Ukrainian soldiers, habang patay ang 10 sibilyan, matapos maglunsad ang Russia ng full-scale invasion of Ukraine.
Nabatid na tinamaan ng Russian air strikes an ibang military facilities sa Kyiv at Moscow, at pinasok ng ground forces mula north, south at east, dahilan para lalo itong kondehina ng mga Western leaders, kasabay ng babala ng massive sanctions.
Bago nito, inanunsyo ni Russian President Vladimir Putin ang pagsasagawa ng special military operation sa hilagang silangang bahagi ng Ukraine.

Kaugnay nito, kaagad naman na nagpatawag ng emergency meeting ang UN security council.
Sa pulong, umapela si UN Secretary General António Guterres na itigil ng Russia ang pag-atake sa Ukraine at sinegundahan naman ito ng mga miyembro ng UN.