DTI chief, irerekomendang tanggalin na ang mga plastic barriers

Irerekomenda na ni Trade Secretary Ramon Lopez ang pagtanggal sa acrylic o plastic barriers, dahil hindi naman umano ito epektibo sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

Matatandaan na sa kasagdagan ng infections noong 2020, obligado ang mga restaurants, stores, banks, public transportation at iba pang establisyemento na maglagay ng plastic barriers, para mabawasan umano ang banta ng pagkalat ng virus.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pero giit ni Lopez, na batay sa mga health experts, ang COVID-19 ay airborne, kaya kahit mas malayo ang tao, walang epekto rin ang acrylic barrier, dahil pwede umano itong matransmit sa pamamagitan ng hangin.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa gitna nito, suportado ng Trade chief ang pagluluwag sa mobility restrictions sa Metro Manila sa Alert Level 1, dahil halos karamihan sa limits ay niluwagan na.