Umabot sa 36,854 ang lumabag sa minimum public health standards sa unang tatlong araw ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar, kalahati sa bilang na ito ang binigyan lamang ng warning, 44% ang pinagmulta, at 6% ang dinala sa mga istasyon ng pulis dahil sa iba pang paglabag.

Dagdag pa ni Eleazar, sa halip umano na magsagawa ng checkpoint operation sa mga boundary ang mga pulis, ay nakakalat ang mga ito sa mga lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao.
Sa kasalukuyan, 93 na lugar sa 38 barangay sa 6 na siyudad ang nakasailalim sa granular lockdown magmula ng ipatupad ito noong ika-16 ng Setyembre.