171 lugar sa NCR, nakasailalim sa granular lockdown – Año

Mahigit 100 na maliliit na lugar sa National Capital Region (NCR) ang nakasailalim sa granular lockdown.

Sa isang panayam, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa kabuuang 171 lugar na ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa hiwalay namang interview, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Rolando Olay na kasalukuyang minomonitor ng nasa 244 pulis at 304 force multipliers ang 93 na barangay na nakalockdown.

Ayon kay Olay, ang mga local government units (LGUs) ang nagpapatupad ng granular lockdown at ang trabaho lamang nila na mapanatili ang seguridad at pagsunod sa mga minimum health standards.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Matatandaan na ipinatupad ang COVID-19 Alert Level 4 sa NCR noong September 16, ngunit ayon sa National Task Force, maaari pa itong palawigin ng dalawang linggo kung hindi bababa ang bilang ng kaso sa rehiyon.