Fully vaccinated na vs. COVID-19, umabot na sa 18.2 milyon – DOH

Umabot na sa 18.2 milyon ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, 59 milyong doses ng COVID-19 vaccines na ang natanggap ng Pilipinas as of September 18.

Sa bilang na ito, 40.9 milyon na ang naiturok sa bansa dahilan upang umabot na sa 18.2 milyon ang nakakumpleto na sa bakuna, habang 22.6 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang first dose.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Samantala, maaari pa rin umano gamitin para sa second dose ang mga dumating na Sputnik V vaccines kahit pa naantala ang pagdating nito.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Dagdag pa ni Cabotaje, nais ng DOH na mapataas pa ang suplay ng one-dose vaccine ng Johnson&Johnson mula sa COVAX facility dahil mas gusto ito ng mga senior citizens, at mas mainam para sa mga Muslim at mga Badjao.

Inaasahan naman na makakatanggap pa ng hanggang 195 milyong COVID-19 vaccines ang Pilipinas hanggang katapusan ng taon.