Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo – namumuro sa unang linggo ng Nobyembre

Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang buena manong sasalubong sa mga motorista ngayong Nobyembre.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) director Rodela Romero – maglalaro sa P0.40 hanggang P0.70 kada litro ang posibleng matapyas sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sa kerosene – may tinatayang umento mula P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

Samantala, maari namang matapyasan ng P0.20, ‘o walang pagbabago sa presyo ng diesel.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa kabila nito – may natitia pang isang trading day at maaari pa ‘yang mabago.

Araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, habang magiging epektibo naman ito sa Martes.