Halos 3000 job vacancies, tampok sa Kalayaan Job Fair ng DOLE 12

KORONADAL CITY- AABOT sa 2,843 na mga bakanteng trabaho ang maaaring aplayan ng mga jobseekers sa Soccsksargen region sa gaganaping Kalayaan 2022 Trabaho Negosyo Kabuhayan o TNK Job and Business Fairs ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 sa June 12 sa KCC Mall sa General Santos City.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 na Independence Day na may temang “Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas.”

Ang naturang job fair ay lalahukan ng 40 mga local employers sa rehiyon.

Samantala, mag-aalok din ng iba’t ibang serbisyo ang mga government agencies katulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), Philhealth at marami pang iba.

Ang mga job seekers ay hinihikayat na magparehistro online sa DOLE 12 Job Fair Portal sa pamamagitan ng link na http://ejobfair.dole12.info/ upang akita ang listahan ng mga employers at vacancies.

Ang mga online registrants ay bibigyan ng Quick Response (QR) code na siyang ipipresenta ng mga ito sa pagpasok sa venue ng job fair upang hindi na humaba pa ang pila ng mga aplikante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *