Halos 180 thousand liters na ng langis ang nakolekta sa MTKR Terranova sa Bataan.
Ayon sa Philippine Coast Guard, mula August 19 hanggang kagabi, nasa 178, 715 liters na ng langis ang nahigop sa Terranova ng kinontratang salvor company na Harbor Star.
Nasa 2,966 liters per hour ang oil rate o ang nakukuha nilang langis.
Samantala, agad naman ipinadala ang MTUG Minkar at MTUG Zania upang ma-control ang oil sheen na naobserbahan sa hilagang-silangan ng ground zero.
Nagpapatuloy naman ang ang ginagawang pag-seal at pag-patch ng manhole at air vents ng lumubog MTKR Jason Bradley bilang paghahanda sa refloating operation.
Isinagasagawa naman seawater siphoning at patching sa nahila nang MV Mirola 1.