Hindi kumbinsido si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na magkapatid sina Alice Guo at si Shiela.
Kung maaalala kasi, ang Chinese name, ‘o totoong pangalan ni Alice ay ‘Guo Hua Ping’; habang si Shiela naman ay Zhang Mier.
Sa isang panayam, sinabi ni Casio na kung sila ang tatanungin, maaring hindi sila ‘full-blooded’ sisters.
Ibig-sabihin, maaaring hindi sila magkapatid sa ina, kundi sa ama lamang.
Kung hindi naman, maaari naman daw na malayo silang magka-anak.