Malolos City Police, pinabulaanan ang serye ng hold-up at pandurukot sa mga estudyante ng BSU

Mariing pinabulaanan ng Malolos City Police Office ang mga kumakalat na mensahe sa social media kaugnay ng serye umano ng holdup at panduruot sa mga estudyante ng Bulacan State University.

Sa isang pahayag, sinabi ng Malolos CPS na walang basehan at gawa gawa lamang ito ng mga indibidwal o grupo na ang layunin ay mag hasik ng takot lalo na sa mga mag aaral, magulang at sa mga taga Malolos.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Bagamat walang naitatalang ganitong insidente sa himpilan ng pulisya maging sa barangay na nakakasakop ng unibersidad, tiniyak nilang tinutukoy na ang mga nasa likod ng nagpapakalat ng naturang impormasyon.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Pinayuhan ng pulisya ang mga residente ng Malolos na maging mapanuri sa mga nababasang impormasyon sa social media gayun din sa pag papakalat ng mga impormasyon na hindi pa beripikado ng mga otoridad.