Halalan sa Bicol, ‘generally peaceful’ at naging mabilis ayon sa COMELEC

BNFM BICOL – Inilarawan ng Commission on Election o COMELEC-Bicol na naging ‘matahimik at mabilis’ ang resulta ng katatapos lamang na National and Local Election sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM-Bicol kay Regional Director Atty. Maria Juana Valeza ng nasabing ahensya, inilarawan nito na matagumpay ang Halalan ngayong taon dahil wala namang naitalang Election Related Incidents lalong-lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘red category’.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa ng opisyal, ito ang kauna-unahang Halalan sa rehiyon na naging tahimik kumpara ng mga nagdaang botohan.

Naging mabilis rin umano ang Halalan dahil hindi na umabot pa ng isang linggo ang bilangan o resulta na inaasahang matatapos sa loob ng dalawang hanggang tatlong araw sakabila ng mga kaliwa’t-kanang aberya ng mga VCM at pag glitch ng mga SD cards sa halos lahat ng probinsya sa rehiyon.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, nakahanda naman ang ahensya sa mga posibleng reklamo at sanay na rin umano sila sa paulit-ulit na naririnig na umano’y dayaan sa araw mismo ng eleksyon.###