Halaga ng umano’y shabu na natagpuan sa Fuga Island, umabot sa mahigit P4-M

Inilabas na ng Cagayan Police Provincial Office ang halaga ng umano’y shabu na natagpuan sa baybayin ng Fuga Island, Aparri, Cagayan noong ika-31 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Sa isinagawang pagsusuri ay lumabas na ang paketeng natagpuan sa Fuga Island ay kumpirmadong shabu na tumitimbang ng 626.20 grams at nagkakahalaga ng P4, 258, 160.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Samantala, ang kaparehong pakete na natagpuan sa Sanchez Mira noong ika-29 ng Hulyo ay positibing naglalaman naman ng Methamphetamine Hydrochloride na may timbang na 1000.82 grams.