PNP, may alok na libreng sakay sa mga commuters na mai-stranded kasunod ng ikinasang unity walk ng pro-modernization group

May alok na libreng sakay ang Philippine National Police sa mga commuters na mai-stranded ngayong araw.

Kasunod ito ng ikinakasang unity walk ng grupong pabor sa PUV modernization program.

Ito’y makaraan ang resolusyon ng Senado na naglalayong suspendihin ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay PNP Public Affairs Office Chief Col. Jean Fajardo, maliban sa kanilang regular security coverage sa gagawing unity walk, maglalabas din ang PNP ng mobile patrols at mobility assets kung kinakailangan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nakiusap naman ang PNP sa mga magsasagawa ng programa na huwag i-harass ang mga kapwa tsuper nilang hindi lalahok sa programa.

Samantala, may ilalagay din na border control at checkpoint ang PNP para matiyak na magiging mapayapa ang mga isasagawang pagkilos ngayong araw.