NAGA CITY –Papalakasin ng Bagyong Goring ang hanging Habagat na magdadala ng pag-uulan sa Rehiyong Bikol.
Sa pakikipanayam ng Brigada News FM Naga kay Fred Consulta, Meteorological Officer ng DOST- Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)- Camarines Sur, nagsimula na kahapon ang pagpapaulan dala ng hanging habagat na mararanasan hanggang sa Miyerkules sa susunod na linggo.
Inaasahang mag lalandfall ang nasabing bagyo sa Taiwan. Nagbigay rin ng babala ang PAGASA sa mga malapit at mga nasa open field areas na mag-ingat sa kidlat.
Mababatid na ngayong Agosto taong kasalukuyan, may dalawa ng nasawi sa Milaor, Camarines Sur dahil sa kidlat.