2 variety ng bigas para sa diabetic, iprinesinta kay Pangulong Marcos

Ibinida kay Pangulong Bongbong Marcos ng mga siyentipiko ng international rice research institute o IRRI ang dalawang variety ng bigas na may mababang glycemic index o GI sa International Rice Congress kahapon.

Kabilang ito sa unang batch ng ultra low GI rice samples na dinivelop para makatulong na mapababa ang kaso ng diabetes sa buong mundo.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Tinatawag itong IRRI 147 at IRRI 125.

Sa datos ng International Diabetes Federation l, nasa 537 milyong mga tao ang may diabetes noong 2021 at inaasahang tataas pa ang bilang sa 47% pagsapit ng 2047.

Sinabi ni Dr. Nese Sreenivasulu, ang head ng grain quality and nutrition research unit ng IRRI na ang bagong tuklas nilang bigas na may mababang glycemic index ay malaking tulong para matugunan ang tamang kalusugan at dietary preferences ng consumers.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Inasaahan din ang malaking market potential nito kaya naman posible anila itong maipakalat na sa mga palengke sa loob ng dalawang taon sa pakikipagtulungan ng IRRI at Philrice.