Gubat at Matnog, minomonitor ng DILG para paigtingin ang kanilang LCPC sa ilalim ng SGFH

Dalawang bayan sa Lalawigan ng Sorsogon ang minomonitor ngayon ng Department of the Interior and Local Government o DILG Sorsogon upang paigtingin ang kanilang Local Council for the Protection of Children o LCPC na isa sa mga kategorya ng Seal of Good Financial Housekeeping.

Ang mga nasabing bayan ay ang mga Bayan ng Gubat na nakakuha ng 78.03% at Matnog na nakakuha naman ng 77.26% rating sa pagpapaigting ng kapakanan ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa sakop ng LCPC, nakakuha ng 15.43% ang Bayan ng Gubat sa Organizational Sustainability, 21% sa Policies and Plans for Children, 16% rating sa paglalaan ng pundo para sa kapakana ng mga kabataan at 25% para sa Service Delivery Monitoring and Management for Children.

Nakakuha naman ng 10.86% ang Bayan ng Matnog sa Organizational Sustainability, 20.40% sa Policies and Plans for Children, 16% rating sa paglalaan ng pundo para sa LCPC, at 30% para sa Service Delivery Monitoring and Management for Children.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon sa DILG, magandang indikasyon umano ang rating ngayong 2023 dahil mas mataas ito kumpara noong 2022 na nakakuha lamang 69.65% ang Bayan ng Gubat at 59.22% ang Bayan ng Matnog.

Sa 16 na LGUs kasaman ang Provincial at City Government, ang mga nasabing bayan lamang ang mababa sa 80% rating.