KORONADAL CITY — TARGET ngayon na matapos ang pagkakabit ng mga street lights sa nangungunang mga daan sa sentro ng lungsod ng Koronadal.
Ito ang inihayag ni City Mayor Eliordo Ogena kung saan naglaan ang lungsod ng P54-Million para sa pagkakabit ng 314 lahat na mga solar powered street lights mula sa boundary ng Barangay Palian sa Tupi at ng Barangay Saravia ng Koronadal hanggang sa mga Barangay ng Morales at Paraiso.
Napag-alaman, na may ilang mga street lights na ang naikabit at napapakinabangan na ng lahat.
Layunin nito upang maging maliwanag ang buong sentro ng lungsod at bahagi na rin sa 10 point development agenda ng Ogena Administration.
