Grupong Manibela – nagpalipas ng gabi sa Mabuhay, Rotonda

Hindi na tumuloy sa España Avenue ang Grupong Manibela kung saan nandoon ang ilang mga kasamahang grupo na nagkasa ng tigil-pasada.

Ayon kay Manibela Chair Mar Valbuena, nagkaisa silang magpalipas na lamang ng magdamag at mag-vigil sa Mabuhay, Rotonda.

Patuloy pa ring nakabantay ang Manila Police District (MPD) para sa latag ng seguridad habang nagpo-programa ang naturang grupo.

Nabatid na ngayon ang ikalawang araw ng transport strike ng ilang transport groups bilang pagtutol sa  Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *