Nagpahayag ang grupo ng mga pribadong ospital ng pagkahbahala sa posibilidad na hindi sumapat ang bilang ng healthcare workers sa bansa sa mga susunod na buwan, partikular na ang mga nurses, sakaling magdesisyon ang mga ito na magtrabaho sa abroad para sa mas mabuting kompensasyon.
Ibinunyag ng Philippine Nurses Association (PNA) na masyadong mababa ang sahod ng nurses sa Pilipinas, kung ikukumpara ito sa ibang mga bansa.

Sinabi ni Melbert Reyes, presidente ng PNA, na hindi sila humihingi ng sobra, kungdi ang tama lamang para sa mga nurses.
Iginiit rin ng grupo na meron ilang ospital sa probinsya ang nagpapasahod ng mga nurses ng P8,000 lamang.
Samantala, sinabi naman ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na ang resignation ng nurses dahil sa mas mataas na sahod na inooffer sa abroad ang nagiging problema na ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.