Inilipat ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang voter’s registration mula sa Naga papuntang Magarao sa Camarines Sur.
Sinabi ng spokesperson ni Robredo na si Ibarra Guttierez na ginawa ng Bise Presidente ang naturang hakbang base sa payo ng legal team nito.
Iginiit ni Guttierez na nais ng mga abogado ng Bise Presidente na magkaroon ito ng consistency sa residence nito.

Mababatid na ang Naga City ay itinuturing na independent component city na ang ibig sabihin ay hindi bumoboto ang mga residente nito ng provincial officials.
Gayunman, nanatiling kwalipikado ang mga resident voters nito na tumakbo para sa provincial level elective posts.
Una nang napaulat na hinihimok ng mga lokal na opisyal ng Camarines Sur si Robredo na tumakbo bilang gobernador ng probinsya sa 2022.