Sen. Cayetano, nanawagan ng tulong kay Sen. Binay sa paghimay sa di umano’y P23 bilyon na laang pondo para sa New Senate Building

‘She can correct it anytime’

‘yan ang pagtitiyak ni Senador Alan Cayetano hinggil pinag-uusapang pondong laan para sa itinatayong New Senate Building sa Taguig City.

Kasunod ito sa naging paghahain ng senadora ng ‘ethics complaint’ sa kanya dahil sa di umano’y unparliamentary manner at maging paggamit nito ng mga offensive, derogatory at improper language sa nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Accounts.

Anya imbis na malihis ang pagtalakay sa isyu ay maaring himayin na lang nilang dalawa sa mahinahong paraan ang di umano’y P23 bilyon na laang pondo para rito.

Anya, sa pamamagitan nito ay maaring mailabas nila ang tama at mapagdesisyunan kung paano matatapos ang gusali sa tamang presyo lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *