Grupo ng mga guro umalma sa ‘Oplan Kontra Lupig’ campaign ng Sorsogon City Police matapos na maisama ang katagang guro sa ilalim ng kategorya ng mga taong ‘pinagkakatiwalaan subalit posibleng salarin ng panghahalay;’ Sorsogon City PNP, humingi ng paumanhin

SORSOGON CITY – Inalmahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Sorsogon ang poster ng Sorsogon City Police Station (SCPS) at Sorsogon City Advisory Council tungkol sa kanilang Oplan Kontra Lupig campaign kung saan naisama sa kategoryang ‘’pinagkakatiwalaang tao’’ ang mga guro subalit posibleng siyang maging salarin ng panghahalay.

Sa pahayag ni ACT-Sorsogon President Marlyn Dechavez, matinding pagkabahala ang idinulot sa kanilang panig gayundin sa hanay ng mga guro ng nasabing kampanya.

Aniya, bukod sa masyado itong nakaka-alarma tila pagyurak na din umano ito sa kanilang pagkatao, kredibilidad at propesyon bilang mga guro kung kaya kinailangan nilang magdemand ng public apology mula sa SCPS na agad namang tinanggap ng pamunuan nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bagama’t ipinagpapasalamat ng grupo ang hakbang ng PNP, umaasa si Dechavez na ang mga kahalintulad na insidente ay hindi na mauulit pa.

Samantala, humingi ng paumanhin ang Sorsogon City Police Station (SCPS) sa Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Sorsogon at sa mga nasa sektor ng edukasyon na naapektuhan ng kanilang campaign poster tungkol sa Oplan Kontra Lupig.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Police Major Jeric Don Sadia, sinabi nito na hindi nila sinasadya ang pagkakasama ng mga guro sa mga posibleng salarin sa nasabing krimen.

Si PMaj Jeric Don Sadia sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa programang ‘Tira Brigada
Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon dito, isang honest mistake lamang ang nangyari at wala silang intensyong makapanakit o personal na tukuyin ang mga nasa nasabing propesyon.

Paglilinaw nito ang nasabing kampanya at poster ay may layunin na maipaalam sa mga posibleng biktima ang kanilang mga karapatan upang mapangalagaan ang mga kapakanan ng mga ito.

Tiniyak naman ng opisyal na hindi na mauulit pa ang ganitong pangyayari at agad nilang babawiin sa ilang mga barangay na kanilang nabigyan ng mga nasabing mga posters.

Sa kabila ng nasabing usapin, naki-usap ang opisyal na magkaisa pa rin ang lahat sa paglaban sa kriminalidad lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pang-aabuso sa karapatan ng mga kabataan at kababaihan.