Grupo ng mga guro – kinalampag ang gobyerno para sa taas-sahod

Nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition hinggil sa pagpapatupad ng taas-sahod sa mga guro.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Teachers’ Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, iginiit nitong naging napakatagal na masyado ng aksyon ng pamahalaan para rito.

Ayon kay Basas, naglabas ng pahayag ang Department of Budget and Management na nagsasabing posibleng matapos ang review taas-sahod sa ikalawang quarter ng taon.

Kinekwestyon ngayon ng grupo kung ano pa bang kailangang pag-aralan, at kinailangang pang magtagal ito.

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na kailangang isaalang-alang ang kahalagahan ng serbisyong ibinibigay ng mga guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *