Mangingisdang Pinoy, 18 oras nagpalutang-lutang sa karagatan sakop ng WPS

Nasagip ng Vietnamese Fishing Vessel ang pilipinong mangingisda na si Allan Maglangit, na crew ng isang boat company sa Cebu.

Ayon kay Naval Forces West Commander Commodore Alan Javier, na simbolo ng humanity and solidarity ang ginawang pagsagip ng mga vietnamese fisherman sa ating kababayan.

Sa salaysay ni Maglangit, labing walong oras syang nagpalutang lutang sa karagatan at nakakapit sa isang Styrofoam buoy bago natagpuan at nasagip ng mga dayuhang mangingisda nitong May 4

Agad namang itinurn over ang filipino fisherman sa Vietnamese Fisheries Surveillance Ship na agad na nakipag ugnayan sa BRP ANDRES BONIFACIO (PS17) na nagsasagawa ng Maritime and Sovereignty Patrol sa lugar.

Sa ngayon ligtas nang nakabalik sa kanyang pamilya si Maglangit, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa vietnamese fishermen na sumagip sa kanya.

binigyang diin naman ni Commo Javier ang importansya ng kooperasyon at mutual assistance sa pagitan ng mga neighboring countries lalo na sa panahon na may mga hamong kinakaharap sa karagatan.

Tiniyak pa ng Western Command na patuloy nilang isusulong ang pagtalima sa kanilang mandato na protektahan ang Philippine Sovereignty, territorial integrity at sovereign rights ng bawat Pilipino.

Kaakibat ang kahandaan na makapagbigay ng humanitarian assistance sa sinumang nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *