Grade 7 student, binawi ang sariling buhay matapos umanong pahiyain ng teacher

PASINTABI/TRIGGER WARNING: SUICIDE

Tumangging magpaunlak ng panayam ang pamilya ni Yuan Lorenzo Magdato, Grade 7 student ng Rizal Technological University na binawi ang sariling buhay matapos umanong pahiyain ng sariling guro.

Ayon sa pamilya, hindi muna sila magbibigay ng panayam dahil gusto muna nilang marinig ang panig ng eskwelehan kaugnay ng insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, tumalon ang biktima mula sa 8th Floor ng SNAGAH/TED building ng RTU.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Naglabas naman ng official statement ang paaralan na nakikiramay at ikinalulungkot nila ang pangyayari.

Samantala, magkakaroon ng pagdinig bukas sa pagitan ng naulilang pamilya at unibersidad.